IRAN – Sinapul ng pwersa ng US ang dalawang Iranian launcher sa Larak Island, Iran nitong Linggo, Agosto 30.
Ito ang kauna-unahang strike ng Amerika sa Iran mula noong Hulyo.
“I can confirm that earlier today US forces struck two Iranian launchers on Larak Island. Islamic Revolutionary Guard Corps forces were observed preparing to launch rockets with sea mines into Strait of Hormuz,” sinabi ng US official.
Ayon naman sa Revolutionary Guards ng Iran, ang pag-atake ay nagdulot ng pagkamatay at pagkasugat ng ilang sundalo at residente at sisiguruhin ang “response and punishment” mula sa Tehran.
Iniulat naman ng semi-official Tasnim news agency na drone strike ang isinagawa ng US sa naturang isla.
Noong nakaraang linggo, sinabi ni US President Donald Trump na naalis na ang lahat ng mina sa international waters ng Strait of Hormuz at sinabihan ang Iran na anumang barko o bangka na maglalagay ng mga bagong mina ay sisirain. RNT/JGC