Home NATIONWIDE Abante, muling nanawagan kay VP Sara na personal humarap sa impeachment court

Abante, muling nanawagan kay VP Sara na personal humarap sa impeachment court

1
0

MANILA, Philippines – Muling nanawagan si House Committee on Human Rights Chairperson at Manila Rep. Bienvenido Abante Jr. kay Vice Presidente Sara Duterte na personal na humarap sa impeachment court ng Senado upang direktang sagutin ang mga paratang laban sa kanya.

Sa isang online press briefing, iginiit ni Abante na tanging si Duterte amang ang may kakayahang magpaliwanag sa mga isyung ibinabato sa kanyang tanggapan.

“Ang sinasabi namin, she should now appear before the impeachment court. Huwag niyang i-insulto ’yung impeachment court. Mag-appear na siya,” ani Abante.

Gayunpaman, nilinaw ng mambabatas na ang kanyang panawagan ay hindi nangangahulugang hinahatulan na niya ang opisyal.

“We’re not saying na talagang guilty siya. Hindi gano’n,” paglilinaw ni Abante. “Ako, naniniwala pa rin ako, it is important for the Vice President to appear before the impeachment court, sapagkat siya lamang talaga ang makakasagot ng lahat ng allegation laban sa kanya.”

Nahaharap si Duterte sa apat na Artikulo ng Impeachment na kinabibilangan ng  maling paggamit ng mga confidential fund, hindi maipaliwanag na yaman, panunuhol sa Department of Education, at mga banta at destabilisasyon.

Ayon kay Abante, ang mga paglilitis ay hindi usapin ng pamumulitika kundi tungkol sa paghahanap ng katotohanan at pananagutan.

“This is beyond politics. This is about the truth. Ang kinakailangan po malaman ng taong-bayan kung ano ang puno’t dulo nito at kung ano ang katotohanan tungkol dito,” pahayag nito.

“We’re not trying to establish guilt here. What we’re trying to establish ito, tama ba ’yung ginawa ng ating Vice President? ’Yan po ba ’yung mandato niya? And I think that is just proper for the people to really hear from the Vice President kung ano talaga ang mga totoong nangyari dito,” pagtatapos pa ni Abante. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here