Manila, Philippines – Grabe ang tilian ng kafaneyan sa Thai actors ng GMMTV na kalahok sa ginanap na 2026 Star Magic All Star Games kamakailan kung saan nakatunggali nila ang Kapamilya artists sa basketball showdown.
Gayunpaman, kahit hindi nila naiuwi ang kampeonato, wagi naman sila sa puso ng fans lalo na iyong followers ng kanilang BL at non-BL works.
Siyempre, bidang-bida sina Joss, Gawin at Neo ng nasabing major Thai television and entertainment company.
Sa kaso naman ng mga kinatawan ng Star Magic, bagama’t inabangan ang kanilang laro, tila hindi ganoon kasigabo ang palakpakan ng audience.
Hirit tuloy ng kibitzers, kulang sa star power ang team na pinamumunuan ni Gerald Anderson.
Hinanap tuloy ng kibitzers ang presensiya nina Daniel Padilla at Donny Pangilinan na malaking come-on sa paghatak ng audience.
Anyway, kabilang sa naglaro sa basketball division sina Ronnie Alonte, JM Ibarra, Emilio Daez, River Joseph, Jeremiah Lisbo, Ashton Salvador, Argel Saycon, Elyson De Dios, Young JV, at Tristan Ramirez.
Tinanghal namang most valuable player si Gerald Anderson.
Kasama ni Ge sa Mythical Five ang Team Star Magic players na sina Argel at Ronnie at ang GMMTV stars na sina Neo at Aston.
Ilan naman sa naglaro sa junior division ng basketball sina Seth Fedelin, Rave Victoria, Dustine Mayores, Iñigo Jose, Joaquin Arce, Fred Moser, Diego Gutierrez at Robbie Jaworski.
Naging muse naman sina Elisa Borromeo at Francine Diaz.
Ilan naman sa naglaro sa women’s volleyball division sina Vivoree, Janah Zaplan, Lella Ford, Fyang Smith, Magui Ford, Kolette Madelo, Gillian Vicencio, at Reign Parani.
Ito naman ang samu’t-saring reaksyon ng kibitzers sa natapos na event ng Star Magic.
“Parang kulang sa star power. Iba pa rin pag nandiyan ang DonBelle at si DJ.”
“Wala ang A listers.”
“Sana meron ding Viva stars vs. All-Star Magic.” Archie Liao