Home NATIONWIDE Comelec target pondohan ng P29.5-B sa 2027 sa paghahanda sa nat’l elections

Comelec target pondohan ng P29.5-B sa 2027 sa paghahanda sa nat’l elections

3
0

MANILA, Philippines — Isinusulong ng Marcos administration ang ₱29.50 bilyong budget para sa Commission on Elections (Comelec) sa 2027 upang pondohan ang mas pinaigting na paghahanda para sa 2028 national and local elections.

Ayon sa Department of Budget and Management (DBM), mas mataas ito nang ₱9.31 bilyon o 46 porsiyento kumpara sa ₱20.20 bilyong alokasyon ng poll body sa ilalim ng 2026 General Appropriations Act.

Sa kabuuang panukalang pondo, ₱23.92 bilyon ang nakalaan para sa Preparatory National and Local Elections (PNLE), malaking pagtaas mula sa ₱2.87 bilyong inilaan para rito ngayong 2026.

Sinabi ng DBM na kritikal ang 2027 bilang pangunahing preparatory year bago ang 2028 elections kaya kailangan nang pondohan nang maaga ang election-related activities at requirements ng Comelec.

Nauna nang naglaan ang pamahalaan ng ₱2.87 bilyon ngayong taon upang makapagsimula ang Comelec ng preparasyon dalawang taon bago ang halalan, kabilang ang maagang procurement ng equipment, certification at testing ng election machines, source code review at pagsasanay ng poll workers.

Ang ₱23.92 bilyong PNLE allocation para sa 2027 ay humigit-kumulang ₱3 bilyon o 14 porsiyentong mas mataas kumpara sa aktuwal na ginastos para sa paghahanda sa 2025 national and local elections.

Binigyang-diin din ng DBM na may fiscal autonomy ang Comelec bilang miyembro ng Constitutional Fiscal Autonomy Group, kaya awtomatiko at regular na inilalabas ang aprubadong annual appropriations nito alinsunod sa batas.

Nakapaloob ang panukalang pondo sa 2027 National Expenditure Program na isinumite ng administrasyon sa Kongreso noong Agosto. Dave Medina

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here