Home ENTERTAINMENT New manager ni Bea, ‘di naniniwala sa kontrata, handang mapalitan ng iba!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES New manager ni Bea, ‘di naniniwala sa kontrata, handang mapalitan ng iba!September 2, 2026 12:3030 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines — Goodbye Shirley Kuan, hello Chris Cahilig!Nagsisilbing interim manager o agent ni Bea Alonzo si Chris.Hindi imposibleng bukas-makalawa’y iba na uli ang magma-manage sa Kapuso actress. Does Chris see this coming?“For one, I just want Bea to have the freedom either choose somebody else or stay with me.“I don’t wanna be that person who’ll try to get that position for good.“Sa totoo lang, hindi ako naniniwala sa kontrata. Kumbaga, I’m just there to protect if there’s a time of conflict,” mahabang paliwanag ni Chris.Kumbaga rin, what binds him and Bea ay “trust and love.”On Bea’s career plan ay nagsimula na raw nilang pag-usapan ito.Inuuna muna nila ang mga inquiries sa dami ng mga ito: “Kasi sayang.”Marami pa rin daw ang mga brands from the past, meaning, mga naisara ng dating manager ni Bea.Siyempre, papasok lang si Chris pagdating sa mga bagong proyekto ng aktres: “Maraming parating, abangan n’yo.”Pag-uulit ni Chris: “It’s her call. It’s her career. It’s her life.”Basta labas daw siya sa personal na aspeto ng buhay ni Bea. On the business side lang ang saklaw ng pagiging interim manager niya.So there.Ronnie Carrasco III