Home NATIONWIDE Precinct finder sa BARMM polls malapit nang ma-access

Precinct finder sa BARMM polls malapit nang ma-access

2
0

MANILA, Philippines – Maaari nang ma-access ang precinct finder ng Commission on Elections (Comelec) para sa unang Bangsamoro Parliamentary elections simula Setyembre 7, 2026.

Ito ay alinsunod sa pag-apruba ng Comelec en banc sa kahilingan ng Information Technology Department (ITD) ng poll body na gawing accessible sa publiko ang Precinct Finder mula Setyembre 7, 2026 hanggang Setyembre 14, 2026 nang 7:00 ng gabi o hanggang sa opisyal na pagsasara ng botohan.

Sinabi ng ITD na malapit nang ma-access ang precinct finder sa pamamagitan ng precinctfinder.comelec.gov.ph.

Sa hiwalay na advisory, sinabi ng Comelec na matutukoy ang lugar ng botohan ng botante sa pamamagitan ng paglalagay ng sumusunod na impormasyon: buong pangalan, petsa ng kapanganakan, at lugar ng pagpaparehistro.

Pupunan ng unang parliamentary election ang 80-upuan kung saan 40 puwesto ang nakalaan para sa political parties, 32 puwesto para sa district representatives at walo para sa sectoral organizations. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here