Home NATIONWIDE Mas madaling access sa SSS benefits, itinutulak para sa mga Pinoy sa...

Mas madaling access sa SSS benefits, itinutulak para sa mga Pinoy sa Espanya

4
0

MADRID, Spain – Palalakasin ng Pilipinas at Spain ang kanilang social security partnership upang mas maprotektahan ang mga Filipino sa Spain at mapadali ang pagkuha nila ng SSS benefits.

Nagkita kamakailan si Philippine Ambassador to Spain Philippe J. Lhuillier at SSS President and CEO Robert Joseph M. De Claro upang talakayin ang pagpapahusay ng social security services para sa mga Pilipino sa Spain.

Kasabay nito ang planong muling pagbubukas ng SSS Representative Office sa Philippine Embassy sa Madrid ngayong Setyembre.

Malugod na tinanggap ni Lhuillier ang progreso sa Administrative Agreement na magpapatupad sa Convention on Social Security ng Pilipinas at Spain. Layunin nitong magkaroon ng malinaw na proseso sa pagsasama ng insurance periods, pantay na pagtrato, pagkuha ng benefits kahit nasa ibang bansa at pag-iwas sa dobleng social security contributions.

“Strengthening our social security partnership with Spain is an important step in ensuring that the rights and benefits of our kababayans are protected and accessible, wherever their work and lives may take them,” pahayag ni Lhuillier.

“We value our longstanding cooperation with Spain and look forward to working closely with our Spanish counterparts and the SSS to further strengthen the systems that support the Filipino community.”

Sa ilalim ng kasunduan, maaaring pagsamahin ang insurance periods ng mga kwalipikadong manggagawang naghulog sa parehong bansa upang makakuha ng ilang benepisyo. Maaari ring matanggap ng mga kwalipikadong benepisyaryo ang kanilang benefits saanman sila nakatira, habang maiiwasan ng mga temporary worker ang dobleng kontribusyon.

Pabibilisin din ang processing ng claims, pagpapalitan ng impormasyon at koordinasyon ng mga ahensya ng dalawang bansa, kabilang ang pagbawas sa documentary requirements.

Muling bubuksan ang SSS Representative Office sa Madrid at nakatakdang pormal na buksan sa Setyembre 11, 2026 sa Eric P. Valenzuela Consular Hall ng Philippine Embassy. Si Mary Jessielyn C. Sia, dating SSS Foreign Representative sa Milan, ang magsisilbi sa Filipino community sa Madrid.

May social security arrangement na ang Pilipinas at Spain mula 1988, na na-update sa isang convention noong 2002 at naging epektibo noong 2012. Ang bagong Administrative Agreement ay inaasahang magbibigay ng mas accessible at responsive na social security services para sa mga Pilipinong nagtatrabaho at naninirahan sa dalawang bansa. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here