Home IN PHOTOS P7.23B budget ng Ombudsman sa 2027, sinuri ng Senado

P7.23B budget ng Ombudsman sa 2027, sinuri ng Senado

4
0

MANILA, Philippines – Sinuri ng Senate Committee on Finance (Subcommittee A) nitong Huwebes, Setyembre 3, 2026, ang P7.23 bilyong badyet na inirekomenda ng Department of Budget and Management (DBM) para sa Office of the Ombudsman para sa 2027.

Mas mababa ito ng P5.5 bilyon kumpara sa orihinal na panukala ng Ombudsman na P12.796 bilyon.

Sa budget briefing, nakapaloob sa P7.23 bilyon ang P3.76 bilyon para sa personal services, na tumaas ng 5.37%; P2.44 bilyon para sa maintenance and other operating expenses, na tumaas ng 1.98%; at P857 milyon para sa capital outlay, na tumaas ng 89.45%.

Nagpahayag naman ng pag-aalala ang mga senador sa absorptive capacity o kakayahan ng Ombudsman na gamitin nang maayos ang inilaan nitong pondo. Iminungkahi rin na ang mga hindi nagamit na pondo para sa personal services ay maaaring ilipat upang suportahan ang pagtatatag ng panukalang Ombudsman Marshal Service.

Pinangunahan ni Deputy Majority Leader Joseph Victor “JV” Ejercito ang budget briefing, kung saan tinalakay din ang pangangailangan ng karagdagang pondo para sa bagong gusali ng Ombudsman, confidential funds para sa proteksyon ng mga saksi, at mas pinaigting na kampanya laban sa korapsyon. CESAR MORALES

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here