Home NATIONWIDE PBBM, ipinag-utos sa mga ahensiya na paigtingin climate change response

PBBM, ipinag-utos sa mga ahensiya na paigtingin climate change response

4
0

MANILA, Philippines – Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga ahensiya ng gobyerno na paigtingin ang implementasyon ng mga polisiya na tutugon sa climate change habang ang Pilipinas ay nahaharap sa tumataas at matinding epekto sa klima.

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na ang lahat ng ahensiya ng gobyerno sa pangunguna ni Climate Change Commission and the Department of Environment and Natural Resources (DENR), ay inatasan na magsagawa ng masinsinang tugon sa kanilang obligasyon na bilisan ang climate action.

“Kapag hindi matugunan ang isyu ng climate change, malaki ang magiging epekto nito sa supply ng pagkain, sa pananim, mataas na presyo ng bilihin, mataas na inflation rate, mataas na public debt, at pati mga banta sa kalusugan katulad ng leptospirosis at dengue cases,” ang sinabi ni Castro.

“Kaya naman tuloy-tuloy ang paghahanda ng bansa na harapin ang mas mainit na klima at tugunan ang mga epekto nito,” aniya pa rin.

Winika pa ni Castro na gumagawa ng hakbang ang gobyerno para paghandaan ang mainit na klima habang gumagawa ito ng paraan para mapabagal ang pagtaas at sa kalaunan ay mabawasan ang greenhouse gas emissions.

Hangad aniya ng estratehiya ng administrasyon na ilatag ang pundasyon para sa ‘resilient at inclusive economy’ para sa kasalukuyan at sa hinaharap na henerasyon.

“As a tropical archipelagic country, the Philippines is expected to continue experiencing severe climate impacts, including stronger and more frequent typhoons, rapid sea-level rise, and heavier rainfall,” ang tinuran ni Castro.

Ang mga bantang ito ay maaaring magdulot ng pangunahing panganib sa mga negosyo, komunidad, imprastraktura at ecosystems.

“Magkaisa tayong labanan ang epekto ng climate change,” ani Castro.

“Kung hindi ngayon, kailan pa? Huwag tayong magpahuli,” aniya pa rin.

Samantala, sinabi ni Castro na nakikipagtulungan ang Malakanyang sa Vice Mayor’s League of the Philippines, sa pangunguna ng national president nito na si Vice Mayor Meynard Francis Bumanglag ng Pinili, Ilocos Norte, bilang bahagi ng climate response efforts nito. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here