MANILA, Philippines – Posibleng tumaas ng ₱2 hanggang ₱3 kada litro ang presyo ng diesel habang inaasahang bababa naman ng ₱0.50 hanggang ₱1 kada litro ang presyo ng gasolina sa susunod na linggo, simula Oktubre 26, ayon sa isang source mula sa industriya ng langis nitong Sabado.
Batay ang pagtaya sa kabuuang lingguhang average ng Mean of Platts Singapore (MOPS) at foreign exchange rates.
Matalas ang naging pagtaas ng presyo ng langis sa pagtatapos ng linggo dahil sa pangambang makaapekto sa suplay ng enerhiya ang panibagong tensiyon at labanan sa pagitan ng United States at Iran, gayundin ang mga pag-atakeng nagbabanta sa produksyon ng langis sa Saudi Arabia at sa iba pang rutang ginagamit sa pag-export nito mula sa Middle East.
Noong Martes, Oktubre 20, nagkaroon ng magkakaibang pagbabago sa presyo ng mga produktong petrolyo. Bumaba ang presyo ng gasolina at kerosene, habang tumaas naman ang presyo ng diesel. RNT/MDS