Home METRO Sasakyang nahulog sa Tarlac river, nakuha na ng PCG

Sasakyang nahulog sa Tarlac river, nakuha na ng PCG

4
0

TARLAC, Philippines – Narekober na ang sasakyang nahulog sa isang tulay sa Tarlac River kasunod ng bahagyang pagguho ng Agana Bridge noong Agosto 29.

Ayon kay PCG Spokesperson Commodore Noemie Cayabyab, iniulat ito ng PCG Tarlac Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO.

Sinabi ni Cayabyab na kinumpirma ng may-ari na ang narekober na sasakyan ang parehong nahulog sa ilog matapos gumuho ang bahagi ng tulay.

Una nang sinubukang iahon ang sasakyan dakong alas-dos ng hapon ngunit nabigo dahil nakabaon ito sa ilalim ng ilog kaya gumamit ng mas malaking crane sa retrieval operation.

Patuloy naman ang surface search ng PCG para sa dalawa pang nawawalang pasahero. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here