Home NATIONWIDE Gatchalian: Walang ‘allocation fund’ offer na natanggap mula sa TESDA

Gatchalian: Walang ‘allocation fund’ offer na natanggap mula sa TESDA

1
0

MANILA, Philippines- Sinabi ni Senate President Sherwin Gatchalian nitong Linggo, Oktubre 25 na wala itong natatanggap na anumang alok para sa “allocation fund” mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), na pareho sa sinasabi ni Senador Panfilo Lacson.

“Wala [ganyang offer sa akin]… Hindi ko alam ang detalye… Pero ako personally, wala akong ganyan,” ayon kay Gatchalian sa panayam ng DZBB.

Ang pahayag niya ay kasunod ng ibinunyag ni Lacson na inalok umano siya ng TESDA ng P5 milyong alokasyon na agad naman niyang tinutulan.

Ani Lacson, lilinawin niya ito sa pagtalakay sa proposed 2027 budget ng TESDA sa plenaryo sa susunod na buwan.

Itinanggi naman ni TESDA Secretary-General Jose Francisco Benitez ang alegasyon at sinabing wala siyang pinapahintulutan na sinuman na mag-alok nito kay Lacson.

“As TESDA Secretary, I did not authorize anyone to offer any allocation or one amounting to P5 million to Senator Ping Lacson,” saad sa pahayag ni Benitez.

“We thank the Senator for promptly informing us of these misrepresentations. We welcome the opportunity to get to the bottom of this matter and fully support efforts to establish the facts,” dagdag pa. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here