Home METRO P6.8M tobats narekober sa Batangas

P6.8M tobats narekober sa Batangas

5
0

BATANGAS, Philippines – Arestado ang isang 24 anyos na  tulak ng  ilegal na halagang droga sa isinagawang buy- bust operation  matapos makumpiskahan ng hinihinalang Shabu na nagkakahalaga ng 6.8 Million kagabi  sa Barangay Balagtas Batangas City.

Ang suspek na pansamantalang nasa kustodiya ng pulisya na nakilala sa alyas ” Utoy” 24, residente ng Dasmariñas City, Cavite.

Base sa isinumiteng report sa tanggapani PBGen Dominic L. Baccay Acting Regional Director ng PRO4 CALABARZON dakong alas 9:35 kagabi ( Sept. 2,2026) ng maaresto ang suspek sa isinagawang anti- illegal drug operation ng pinagsanib na elemento ng PRO4A Drug Enforcement Unit, PDEA at Batangas City Police Station makaraang magpanggap na posuer buyer ang isang pulis na humantong sa aktong pagka- aresto sa suspek.

Narekober sa suspek ang isang aluminum foil tea bag with Chinese markings at malaking transparent plastic bag na naglalaman ng 1 kilo ng  hinihinalang Shabu na may standard price na halagang Php 6.8 Million.

Ayon kay  PBGen  Baccay, patuloy na paiigtingin ng PRO 4A ang kampanya laban sa ilegal na droga katuwang ang PDEA at iba pang ahensya upang maprotektahan ang mga komunidad sa CALABARZON.

“Hindi titigil ang PRO 4A sa pagtugis sa mga sangkot sa ilegal na droga. Patuloy naming paiigtingin ang aming mga operasyon upang mapanatiling ligtas ang ating mga komunidad,” ani PBGen Baccay.

Ang naturang operasyon ay base sa programa ni PBGen Baccay ang B.E.S.T. policy framework at Focused Agenda ng Chief PNP hinggil sa pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga.

Ang naturang operasyon ay naka-angkla parin sa B.E.S.T policy framework ng Acting Regional Director at Focused Agenda ng Chief, PNP, partikular sa pagpapaigting ng kampanya laban sa iligal na droga. /Ellen Apostol

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here