Home ENTERTAINMENT Fyang, nag-alala, mas tinilian ang Thai stars sa basketball game!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Fyang, nag-alala, mas tinilian ang Thai stars sa basketball game!September 3, 2026 20:2530 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Ikinabaliw ni Fyang Smith ang eksena sa MOA Arena.Bakit?Paano ba naman kasi, ‘di hamak na mas marami ang nagtsi-cheer sa bàsketball team mula sa Thailand kumpara sa koponan natin!Sey ni Fyang: “Grabe kayo! Hindi n’yo man lang tsini-cheer ‘yung bansa natin!”Bale ba, naibulalas niya ito on mic para batiin ang mga manonood.Ayon sa obserbasyon, mas marami nga ang nagru-root para sa GMMTV team ng Thailand kesa sa Star Magic Shooting Stars led by its coach Gerald Anderson.Buti na lang, wagi ang Star Magic sa score na 83-53.Worried naman si Fyang sa ka-loveteam na si JM Ibarra dahil namamaga ang paa nito, pero naglaro pa din.Saan ba talaga mas worried si Fyang–sa paa ni JM o sa kawalan ng mga nag-cheer sa team nito? Ronnie Carrasco III