Home METRO 7-anyos na Aeta na tinangay ng agos sa Zambales, natagpuang patay

7-anyos na Aeta na tinangay ng agos sa Zambales, natagpuang patay

5
0

ZAMBALES – Natagpuang patay ang pitong taong gulang na Aeta boy na nawawala matapos tangayin ng malakas na agos ng ilog sa Botolan, Zambales, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Narekober ang bata nitong Huwebes, Setyembre 3, isang araw matapos matagpuan ang bangkay ng kanyang 35-anyos na ama na si Simeon Candule.

Nawala ang mag-ama noong Martes habang pauwi sakay ng kariton na hinihila ng kalabaw nang abutan sila ng malakas at mabilis na agos mula sa upland area.

Ayon sa paunang ulat ng PCG, tumagilid ang kanilang sinasakyan at kapwa sila inanod pababa ng ilog. Unang narekober ang bangkay ni Candule sa isinagawang search and rescue operation noong Miyerkoles.

Nagpatuloy ang paghahanap hanggang sa matagpuan din ang kanyang anak kinabukasan.

Karaniwang ginagamit ng ilang pamilyang Aeta sa lugar ang carabao-drawn carts bilang transportasyon dahil wala pang maayos na kalsadang nag-uugnay sa kanilang komunidad sa ibang lugar. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here