Home HOME BANNER STORY PBBM, nilagdaan batas na nagpapalawak ng libreng tertiary education

PBBM, nilagdaan batas na nagpapalawak ng libreng tertiary education

2
0

MANILA, Philippines – Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Biyernes, Setyembre 4, ang Republic Act No. 12325, na nagpapalawak sa Universal Access to Quality Tertiary Education Act (UAQTE) upang mas maraming estudyanteng Pilipino, lalo na mula sa mahihirap na pamilya, ang makinabang sa tulong ng gobyerno.

Inamyendahan ng RA 12325 ang Republic Act No. 10931, na nagbibigay ng libreng tuition at iba pang school fees sa mga kwalipikadong estudyante sa state universities and colleges (SUCs), local universities and colleges (LUCs), at state-run technical-vocational institutions (TVIs).

Sa ilalim ng bagong batas, bibigyan ng prayoridad sa Tertiary Education Subsidy (TES) ang mga kwalipikadong estudyanteng nagmula sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) households.

“Today, we take that another step further. The amendments ensure that government assistance reaches those who need it most, particularly students from poor and disadvantaged families, including qualified 4Ps beneficiaries,” ani Marcos.

Inaatasan din ang mga SUC, LUC at state-run TVI na magpatupad ng Equity and Inclusion Plans para matulungan ang mga estudyante mula sa disadvantaged backgrounds sa pamamagitan ng mga hakbang gaya ng fee waivers at priority access sa ilang pasilidad.

Pinalawak din ng batas ang saklaw ng TES upang maisama ang tulong para sa internship o Related Learning Experience, professional licensure expenses at allowance para sa mga estudyanteng may kapansanan.

Pinapayagan din ang hanggang isang taong extension para makumpleto ng isang benepisyaryo ang kanyang programa kung may makatwirang dahilan.

Nagtatatag din ang RA 12325 ng Private Education Assistance Program para suportahan ang mga disadvantaged students na kumukuha ng priority programs sa mga pribadong higher education institutions at technical-vocational institutions.

Inaatasan naman ang Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education (UniFAST) Board na regular na repasuhin at i-adjust ang halaga ng TES kada dalawang taon upang tugunan ang inflation at pagbabago sa gastusin sa edukasyon.

Magkakaroon din ng single learner reference code upang mapahusay ang pagtukoy at monitoring sa mga benepisyaryo mula secondary hanggang tertiary education.

Ayon kay Marcos, hindi nagtatapos sa pagbubukas ng mga pampublikong kolehiyo at training institutions ang responsibilidad ng pamahalaan.

“We must help all our learners remain in schools or training until they complete their studies and acquire the skills they need to succeed,” anang Pangulo. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here