Home NATIONWIDE P162M kush nasabat ng BOC sa inabandonang yate

P162M kush nasabat ng BOC sa inabandonang yate

3
0

MANILA, Philippines – Nasa 89 plastic black bags (pouch) ng hinihinalang Kush Marijuana na tumimbang ng higit 98 Kilograms na nagkakahalaga ng tinatayang nasa mahigit P162-milyon ang nakumpiska ng Bureau of Customs Port of Subic sa isang nasira at inabandonang Yate nitong Miyerkules ng hapon, September 2, 2026 sa Subic Yatch Club (SYC) sa Subic Bay Freeport Zone.

Ayon sa Customs, isang mekaniko ng Subic Yatch Club ang umano’y nakadiskubre sa kontrabando na agad itinawag at ipinagbigay alam ng management (SYC) sa Custom.

Sa ulat, nagpa-rescue umano nitong Biyernes, August 28, 2026 sa kasagsagan ng Habagat ang mga sakay Yate matapos umanong masiraan ito sa laot na malapit sa naturang pantalan.

Nagpakilala umano apat na pasahero kabilang ang kapitan ng Yate na pawang mga Thai at Malaysian ang mga sakay ng nasirang Yate at nag-check in pa di-umano ang mga ito sa isang hotel sa Subic Bay Freeport bago lumisan o naglaho ang mga ito at inabandona ang nasirang Yate.

Kukumpunhin daw sana ng mekaniko ang Yate na nagka-problema sa engine (makina). Ite-trace daw sana ng mekaniko ang isang wire, pero ng angatin umano ang nakatabing na board, aksidenteng nakita umano nito ang ilang plastic na kung titingnan ay parang mga parcel na nakasiksik sa ilalim ng engine box na may kakaibang masangsang na amoy, kaya Dito na naghinala ang nakakita na ipinagbigay alam sa kanilang management at ipinarating sa Customs.

Sa bisa ng mission order (MO) at sa kasagsagan ng paghalughog ng mga awtoridad sa operasyon na sinaksihan ng Media, Barangay Official at Department of Justice (DoJ) Reprensentative, nadiskubre pa ang mas maraming pouch ng hinihinalang Kush Marijuana na nakasiksik o nakatago sa ilalim ng katre o kama sa kwarto ng Yate (Cabin).

Bunsod nito, agad naglabas si Port of Subic District Collector Atty.Geniefelle Lagmay ng warrant of seizure and detention laban sa mga kontrabando.

Galing umano sa Kota Kinabalu ang Yate ng masiraan ito at patungo umano ito ng bansang Taiwan.

Nasa kustodiya na nang PDEA ang mga nasabat na kontrabando. (Roel Tarayao)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here