Home HOME BANNER STORY Karagdagang financial records nina VP Sara, Mans Carpio isinumite sa Senate impeachment...

Karagdagang financial records nina VP Sara, Mans Carpio isinumite sa Senate impeachment court

5
0

MANILA, Philippines – Nakatanggap ang Senate Impeachment Court ng panibagong batch ng financial records na may kaugnayan kay Vice President Sara Duterte, kanyang asawang si Atty. Manases “Mans” Carpio, at 20 entidad bilang pagsunod sa mga subpoena ng korte.

Ayon sa Office of the Clerk of Court, isinumite noong Setyembre 3 ang mga dokumento mula sa karagdagang mga bangko, insurance companies at investment institutions.

Saklaw ng mga rekord ang peso-denominated accounts at transactions, gayundin ang financial interests nina Duterte, Carpio at 20 entidad mula 2007 hanggang 2025, alinsunod sa mga limitasyong itinakda ng impeachment court noong Hulyo 20.

Dagdag ang mga bagong dokumento sa mga rekord na nauna nang isinumite ng Anti-Money Laundering Council, Bureau of Internal Revenue at ilang bangko bilang bahagi ng pagtalakay sa impeachment article na may kaugnayan sa alegasyon ng unexplained wealth laban sa Bise Presidente.

Nauna nang ipinag-utos ng Senate Impeachment Court ang pagsusumite ng financial records matapos aprubahan ang kahilingan ng prosecution panel para sa mga dokumentong itinuturing nitong may kaugnayan sa paglilitis.

Ang pagsusumite ng mga rekord ay hindi pa nangangahulugan na napatunayan ang mga alegasyon laban kay Duterte. Ang mga dokumento ay bahagi ng ebidensyang susuriin sa nagpapatuloy na impeachment proceedings. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here