Home METRO 65-anyos, arestado; 19 ibon, nasagip sa Bacolod

65-anyos, arestado; 19 ibon, nasagip sa Bacolod

3
0

BACOLOD CITY, Philippines – Isang 65-anyos na lalaki ang inaresto at 19 ibon ang nasagip sa isang entrapment operation sa Barangay 30, Bacolod City noong Huwebes, Setyembre 3.

Kinilala ng mga awtoridad ang suspek sa alyas na “Ancheto.” Nahuli siya sa buy-bust operation at nahaharap sa kasong illegal possession at trading of wildlife sa ilalim ng Section 27 ng Republic Act No. 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act.

Narekober sa operasyon ang marked buy-bust money at boodle money, gayundin ang 11 kulungan na naglalaman ng 5 Philippine Serpent Eagles, 8 Martanico birds, 2 Green Parrots, 2 Coleto birds, 1 Grass Owl at 1 “Sagaksak.”

Matapos ang inventory na nasaksihan ng mga opisyal ng barangay, dinala ang suspek at mga nakumpiskang hayop para sa booking, dokumentasyon at paghahain ng pormal na reklamo sa Bacolod City Prosecutor’s Office.

Pinangunahan ang operasyon ng CIDG-Negros Occidental Provincial Field Unit, katuwang ang CIDG Bacolod City Field Unit, Negros Occidental Maritime Police Station, DENR-CENRO Bago City at Police Station 6 ng Bacolod City Police Office. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here