QUEZON CITY, Philippines – Ibinasura ng Quezon City Prosecutors Office ang kasong alegasyon ng robbery na isinampa ng isang delivery rider laban sa dalawang tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) matapos mabigong mailatag ang elemento ng pagnanakaw na isinampa ng una sa huli.
Nabatid sa apat (4) na pahinang resolution na nilagdaan ni Assistant City Prosecutor Ann Faustine Moya-Valbuena ibinasura ng piskalya ang kasong robbery na isinampa ng complainant na si Piolo Baluyot Alonzo laban kina PCpl Amaro at PCpl Nuezca.
Sina PCpl Amaro at PCpl Nuezca ay miyembro ng PNP at nakatalaga sa Quezon City Police District station 3 Talipapa Station Drug Enforcement Unit (SDEU).
Base sa reklamo ng complainant na si Alonzo naganap umano ang sinasabi nitong alegasyon ng robbery nitong Agosto 8, 2025 habang patungo siya sa drug store upang bumili ng gamot sakay ng kanyang motorsiklo sa kahabaan ng Martin De Porrest Street sa harap ng 3300 Drug Store Brgy. Baesa, Quezon City dakong 10:30 ng gabi.
Sinabi pa sa reklamo ni Alonzo 22-anyos ay pinara umano siya sa isang police checkpoint ng dalawang nakauniporme na police personnel at umano’y kinuha ang kanyang P3,000 na pera ng walang balidong kadahilanan.
Kaugnay nito sinabi ng piskalya na hindi na establish ng complinant ang umano’y alegasyon ng robbery na reklamo nito laban sa dalawang tauhan ng pulisya at hindi rin na establish ng witness nito na kinuha nga ng respondent ang pera ng complinant dahilan para ibasura ng piskalya ang naturang reklamo.
Itinanggi rin ng mga respondent (pulis) ang alegasyon ng pagnanakaw na isinampa ng complainant at sinabing dati ng sinampahan ng kaso ang complinant ng obstruction of justice matapos umano itong makialam sa isinagawagawang legitimate operation ng mga pulis sa buy-bust na isinagawa ng mga respondent.
Samantala sinabi rin ng respondent na ang isinampang kaso laban sa kanila ay isang uri ng harassment upang gipitin ang mga ito matapos maunang maaresto ang complinant dahil umano sa pakikialam sa isinagawang police buy-bust operation nitong nakalipas na taon.
Kaugnay nito ibinasura rin ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang kasong Grave Misconduct (Robbery) at Conduct Unbecoming of a Police Officer o kasong administratibo laban sa respondent dahil sa kawalan ng merito.
Sinabi pa ng NCRPO na bukod sa kawalan ng merito hindi rin umano na establish ng complinant ang alegasyon nito sa mga respondent matapos ibasura ng Quezon City Prosecutor Office ang kaso laban sa mga respondent. (Santi Celario)