Home NATIONWIDE SC nagbigay ng espesyal na konsiderasyon sa ilang bar examinees

SC nagbigay ng espesyal na konsiderasyon sa ilang bar examinees

3
0

MANILA, Philippines – Nagpatupad ang Korte Suprema ng ilang espesyal na konsiderasyon para sa mga kumuha ng 2026 Bar Examinations.

Ayon kay Bar Chairperson Associate Justice Samuel Gaerlan, tatlong examinee ang binigyan ng konsiderasyon para sa written examinations, habang apat na persons with disability (PWDs) ang pinayagang kumuha ng pagsusulit na may kaukulang assistance.

Isang person deprived of liberty (PDL) naman ang pinayagang kumuha ng pagsusulit sa local testing center sa halip na sa detention facility, sa pamamagitan ng koordinasyon sa mga local authority.

Sa unang araw ng Bar Exams, 11,900 o 89.71% ng kabuuang 13,114 examinees ang dumalo.

Ayon kay Gaerlan, mas mataas pa rin ang bilang ng mga kumuha ngayong taon kumpara sa mga nakaraang taon, at ito na ang pinakamalaking bilang sa mga nagdaang Bar Examinations. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here