BULACAN, Philippines – Arestado ang isang indibiduwal nang mahulihan umano ng P47,600 halaga ng iligal na droga sa buy-bust operation ng pulisya sa lungsod San Jose Del Monte (SJDM) nitong September 5.
Sa ulat ni PLTCOL Nelson Sardin, Acting COP ng SJDM, isinagawa ang operasyon bandang 7:21 ng gabi sa Brgy. Minuyan.
Ayon sa ulat, nakumpiska sa suspek ang dalawang plastic sachets ng hinhinalang shabu na nasa halagang P47,600 at buy-bust money.
Samantala, sa ulat ng San Miguel, Bulakan, Bocaue, Norzagaray at Plaridel police station, nasa 10 indibiduwal ang kanilang naaresto sa magkahiwalay na operasyon.
Nakumpiska sa mga operasyon ang 20 sachets ng hinihinalang shabu na nasa kabuuang halagang P152, 320 at buy-bust money.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang mga naarestong suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Dick Mirasol III)