Home NATIONWIDE Kaalaman ng PNP sa lokasyon sumusuporta sa alegasyon ng surveillance, harassment –...

Kaalaman ng PNP sa lokasyon sumusuporta sa alegasyon ng surveillance, harassment – VP Sara

1
0

MANILA, Philippines – Ang pahayag ni Local Government Secretary Jonvic Remulla na alam ng mga pulis ang kinaroroonan ni Vice President Sara Duterte noong Biyernes ng gabi ay sumusuporta sa kanyang mga alegasyon ng harassment at surveillance.

Matatandaan na sinabi ni Remulla na ang mga awtoridad ay “knew of her whereabouts the night before but we did not force the warrant of arrest.”

“Ang mga salitang ito ni Secretary Jonvic Remulla ay tila nagpapatibay sa mga dokumentong matagal na naming hawak hinggil sa harassment at surveillance operations ng Philippine National Police at iba pang ahensya ng gobyerno laban sa akin,” saad sa pahayag ni Duterte.

Sa hiwalaty na pahayag, sinabi ng PNP na nirerespeto nito ang pangamba ni Duterte para sa kanyang kaligtasan at ng kanyang pamilya.

Sinabi ni PNP chief Jose Melencio Nartatez Jr. na patuloy na minomonitor ng kanilang mga unit ang posibleng banta sa mga Duterte.

Dagdag pa ng PNP, ito ay “remains steadfastly committed to the rule of law, ensuring that all our operations are conducted with utmost professionalism, impartiality, and absolute respect for individual rights without fear or favor.”

Sa pahayag nitong Linggo, Setyembre 6, sinabi naman ni Remulla na umaasa siyang makikita ni Duterte na walang masamang balak ang PNP at trabaho nitong protektahan ang lahat ng Filipino.

“The PNP today is not involved in [extrajudicial killings]. That policy stopped in 2022,” dagdag pa niya.

Noong Sabado ay sinabi ni Duterte na nangangamba ito para sa kanyang kaligtasan.

“Wala akong tiwala sa korte, wala akong tiwala sa pulis. I do not feel safe,” sinabi ni Duterte nang dumating sa Quezon City Regional Trial Court para mgpiyansa. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here