MANILA, Philippines – NAGTULONG ang North Luzon Expressway (NLEX) at ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para masolusyunan na ang problema sa pagbaha sa pangunahing lansangan patungong Hilagang Luzon.
Ayon sa NLEX, naglagay na sila ng mga harang at nagtambak ng mga sako ng buhangin sa mga bahaging apektado ng baha o binabaha bago pa dumating ang mga panibagong malalakas na pag-ulan at pag-apaw ng mga ilog.
Dahil lumampas sa inaasahan ang tindi ng pag-ulan, nagdagdag din ang ahensya ng mas malalakas na makinang panghigop ng tubig na inarkila, bukod sa sarili nitong mga gamit.







