Home HOME BANNER STORY Paliwanag mula sa kampo ni VP Sara sa mga pangalang ‘di lumabas,...

Paliwanag mula sa kampo ni VP Sara sa mga pangalang ‘di lumabas, patay na, o bata pa sa record ng PSA, hiniling ng prosecution

1
0

MANILA, Philippines – Hiniling ng House prosecution panel na ipaliwanag ng kampo ni Vice President Sara Duterte ang mga pangalan sa resibo ng confidential fund  matapos lumitaw sa ika 22 araw ng impeachment trial na may mga pangalan sa resibo na tumugma sa mga taong patay na at mga bata habang  may mga pangalan na walang natagpuang record sa civil registry.

“Talagang may misuse. Kasi unang-una, paano ka pa naman kukuha ng isang information sa matagal nang patay?” pahayag ni Hoiuse Spokesperson Zia Alonto Adiong sa isang press briefing.

Ang pahayag ay ginawa ni Adiong matapos ang naging testimonya ni Philippine Statisctics Authority (PSA) Assistant National Statistician Marizza Grande na humarap bilang testigo ng prosecution team sa ika 22 araw ng trial,  sa testimonya nito inamin nyang 2,669 pangalan mula sa listahan ng OVP at Department of Education (DepEd) ang sinuri ng PSA, sa nasbaing bilang 1,685 ang walang tugmang birth, marriage, o death record. May 37 pangalan din na tumugma sa death record, at 25 pangalan na tumugma sa birth record ng mga menor de edad.

Dinepensahan naman ni Alonto Adiong ang paghingi ng prosekusyon ng verification mula sa PSA, aniya, may pangalan, lagda, petsa, at lugar ang mga resibo at ang beripikasyon ay kailangan para patunayan ang mga detalye itong.

“But on the side of the prosecution, we presume that these are real people kasi pinapirma sila sa AR,” paliwanag ni Alonto Adiong.

Ayon kay Alonto Adiong, pinalakas ng mga resulta  ng beripikasyon ng PSA ang hamon ng prosekusyon laban sa paggamit ng pondo ng bayan, aniya, paano mabibigyang nkatwiran ang ginawang paggasta sa confidential fund gamit ang mga pangalang tumutugma sa taong matagal nang patay, o sa mga batang hindi pa kayang magbigay ng impormasyon.

Samantala, dahil kinumpirma na ng PSA na walang Mary Grace Piattos sa kanilang record ay hindi na ito ipapatawag ng prosekusyon sa trial. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here