Home HOME BANNER STORY “Plano” ni PBBM vs VP Sara, pinabulaanan ng Malakanyang

“Plano” ni PBBM vs VP Sara, pinabulaanan ng Malakanyang

1
0

MANILA, Philippines – Pinabulaanan ng Malakanyang at sinabing walang basehan ang pahayag ni Vice President Sara Duterte na nakatanggap siya ng impormasyon noon pang 2024 ukol sa plano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., laban sa kanya.

Sa isang social media post, sinabi ni VP Sara na noong 2024 pa lamang ay nakatanggap na siya ng impormasyon tungkol sa aniya’y mga plano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. laban sa kanya.

Sa isang pahayag, sinabi ni VP Sara na matagal na siya sa pampublikong serbisyo at nakahanda sa anumang posibilidad na kaakibat ng kanyang trabaho.

Kabilang umano sa mga plano ang pagkakaroon ng warrant mula sa International Criminal Court (ICC) laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at mga gagawin umanong pag-atake laban sa kanya.

Dahil nakaugnay umano ang kanyang seguridad sa Armed Forces of the Philippines (AFP) alinsunod sa constitutional line of succession, sinabi ni Duterte na ipinaalam niya noon kay dating AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner ang kanyang mga pakiusap.

Binigyang-diin ng Bise Presidente na isang seryosong usapin ang paglapit o pagpunta sa lugar kung nasaan ang kanyang ina at mga anak, sa kabila ng umano’y pag-amin ni Interior Secretary Jonvic Remulla at ng pulisya na alam nila ang kanyang kinaroroonan dahil sa aniya’y surveillance activities laban sa kanya.

Isang malaking tanong naman para kay Castro kung bakit ngayon lang pinalutang VP Sara at isinapubliko ang nasabing alegasyon noong 2024 o binanggit ang kahalintulad na pagbabanta na natanggap noonng 2023.

“Ngayon lang po ito nagsulputan,” ayon kay Castro.

Pinabulaanan ni Castro ang alegasyon na ito ni VP Sara, sabay sabing walang ebidensiya o official records ang iniharap upang patunayan ang mga ito.

“Pinapasinungalingan po natin ang pagbibintang na ito ng Bise Presidente, wala po itong anumang ebidensiya at walang anumang records na maipapakita ito,” aniya pa rin.

Pinalagan naman ni Castro ang pahayag ni VP Sara na hindi pino-portekatahn ng administrasyng Marcos ang mga kabataan, tinukoy ang mga proghrama ng gobyerno para sa “child protection, student security, at mental health support.” (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here