Home HOME BANNER STORY Voting threshold sa paglilitis ni VP Sara, pinalilinaw ni Erwin sa impeachment...

Voting threshold sa paglilitis ni VP Sara, pinalilinaw ni Erwin sa impeachment court

3
0

MANILA, Philippines – Nanawagan si Senator-judge Erwin Tulfo na linawin ng Senado ang magiging batayan ng botohan sa impeachment trial kay Vice President Sara Duterte para hindi mauwi sa “acquittal by default” kung sakaling kulang ang mga dadalo.

Ginawa ni Tulfo ang kanyang manifestation nitong Lunes sa pagdinig, sa gitna ng mabilis na pagbabago ng kalendaryo ng paglilitis at pag-urong ng ilang testigo ng prosekusyon.

“Ang tanong ko, Mr. Presiding Officer: Kung magboto tayo dalawa o tatlong buwan mula ngayon, o sa susunod na buwan, o kahit bukas, sino sa ating mga miyembro ang puwedeng bumoto sa final question?” tanong ni Tulfo.

4 senator-judges, absent

Tiniyak ni Tulfo na *apat sa mga senador* ang wala ngayon sa paglilitis:

— Senator-judge Loren Legarda na naka-medical leave sa abroad na hindi pa alam kung kailan babalik

— Senator-judge Ronald “Bato” dela Rosa na nagtatago sa batas

— Senator-judges Jinggoy Estrada at Rodante Marcoleta na kapwa nasa kustodiya ng Sandiganbayan at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)

Dahil dito, tinanong ni Tulfo kung “tatanggapin pa rin ba ang boto nila kahit hindi sila dumadalo” o “automatic no vote” sila.

“Hindi ako humihingi na ibaba ang requirement. Ang tanong ko lang: Pag sinabi nating ‘all members’, sino eksakto ang binibilang natin?” dagdag niya.

Binanggit din ni Tulfo ang dalawang magkasalungat na ruling ng Korte Suprema:

1.  Bayan Muna vs. Zamora – ginagamit ang kabuuang bilang o 24 bilang basehan

2.  Avelino vs. Cuenco – binibilang lang yung mga nasa ilalim ng “coercive jurisdiction” ng Senado para sa quorum

Binalaan ni Tulfo na kung 24 pa rin ang gawing basehan kahit marami ang wala, maaaring ma-acquit si VP Duterte by default kahit anong ebidensya pa ang iharap.

“Halimbawa, may sakit yung isa, suspendido, nagbitaw para tumakbo, namatay, nagpagamot sa ibang bansa, nakakulong, nagtatago. Kung 9 o higit pa ang hindi makakaboto, automatic acquittal na ba?” giit niya.

“Ang tanong ay hindi kung paano papadaliin ang conviction. Ang dapat nating itanong: Dapat bang pairalin ang pagpapahirap ng impeachment kaysa sa constitutional demand for accountability?” sabi pa niya.

Sinabi pa ni Tulfo na naguguluhan na ang publiko dahil pabago-bago ang diskarte ng prosekusyon at mabilis ang takbo ng trial. Hiniling niya na pag-usapan na agad ito ng Senado.

“To be fair for everyone po, even to the person being impeached. I’m sure she wants a fast and fair trial. So I will leave that to your decision, Mr. Presiding Officer, and to our Senator judges,” pagtatapos ni Tulfo.

Layunin ng impeachment na gawing mahirap ang pagpapatalsik sa isang opisyal, pero ayon kay Tulfo, *“ang difficulty ay hindi pareho sa impossibility.” Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here