Home LIFESTYLE HEALTH 55% ng mga tinamaan ng leptospirosis, mga walang trabaho – DOH

55% ng mga tinamaan ng leptospirosis, mga walang trabaho – DOH

3
0

MANILA, Philippines – Mayorya sa mga tinamaan ng leptospirosis sa National Capital Region (NCR) ay mga walang trabaho, batay sa datos ng Department of Health (DOH).

Ayon kay Infectious Disease Expert Dr. Rontgene Solante sa isinagawang Special Health Forum ng Philippine College of Physician ngayong araw lumabas sa datos ng DOH na 1,084 ang mga pasyente na tinamaan ng naturang sakit na nasa 55 porsyento.

Sinundan naman ng mga estudyante o katumbas ng 190 kaso.

Marami rin sa mga tinamaan ng sakit ay mga driver o rider, construction worker, market worker o mga vendor, laborer at factory worker.

Kaugnay nito, 267 naman sa mga tinamaan ng leptospirosis ay hindi tukoy ang trabaho.

Samantala, pumalo na rin sa kabuuang 38 ang bilang ng mga nasawi sa leptospirosis sa Manila-LGU hospitals mula January hanggang September 8,2026.

Nadagdag dito ang tatlong pasyente na nasawi ngayong araw.

Nadagdagan din ng 70 ang bilang ng bagong kaso ng nasabing sakit dahilan para sumipa sa 1,051 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng leptospirosis na nakukuha sa maruming tubig-baha o paglusong sa baha.

May pinakamaraming kaso ng leptospirosis sa Maynila sa Barangay 649 sa Basco na umabot na sa 140.

Nakapagtala rin ng 26 na kaso sa Barangay 20 at  22 kaso mula sa Barangay 105 sa Tondo. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here