Home NATIONWIDE Badyet ng bayan, dapat maramdaman ng bayan, di mahuthot ng iilan –...

Badyet ng bayan, dapat maramdaman ng bayan, di mahuthot ng iilan – Kiko

16
0

MANILA, Philippines – Iginiit ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan na dapat maramdaman ng bawat Pilipino ang benepisyo ng 2027 national budget sa kanilang araw-araw na buhay.

Ayon kay Pangilinan, dapat itong magresulta sa mas mababang presyo ng pagkain at pangunahing bilihin, mas maraming trabaho at mas mataas na kita para sa mga manggagawa, magsasaka, mangingisda at maliliit na negosyante.

Binigyang-diin din niya ang pangangailangang dagdagan ang pondo para sa healthcare upang magkaroon ng libreng konsultasyon at gamot, kumpletong ospital at health center, sapat na health workers at mas malawak na PhilHealth coverage.

Dapat din aniyang may sapat na ayuda at rehabilitation para sa mga pamilyang nawalan ng bahay at kabuhayan dahil sa mga bagyo, baha, lindol at iba pang kalamidad.

Iginiit ni Pangilinan na bawat pisong kinokolekta mula sa taumbayan ay dapat gamitin para sa kanilang kapakanan at hindi masayang sa korapsyon, kickback, ghost projects o mga programang hindi kailangan.

Para kay Pangilinan, ang national budget ay hindi lamang talaan ng mga numero kundi salamin ng prayoridad ng pamahalaan. Dapat unahin sa 2027 ang pagpapababa ng presyo, pagpapataas ng kita, healthcare, edukasyon, pagkain, kuryente, tubig, transportasyon at pagtulong sa mga nasalanta ng kalamidad.

“Ang budget ng taumbayan ay dapat maramdaman ng taumbayan — hindi mahuhuthot sa korapsyon.” RNT/MDS/Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here