Manila, Philippines – Very obvious ang magandang aura ngayon ni former Manila Vice Mayor Yul Servo.
Fit ang katawan ni Yul at fresh na fresh ang kanyang dating nang nagpunta siya sa Art Center sa SM Megamall para sa exhibit ng kanyang art piece na may title na Map of Pasig na gawa sa scrap metal.
Ayon kay Yul, bata pa lang daw siya ay nahioig na siyang mag-drawing.
At habang nagpapagawa ng bahay ay nakaipon siya ng scrap metals sa kanyang backyard na ginawa niya ngayong pieces of art.
Out of scrap metal ay nakagawa siya ng life size na kabayo, artistic tables and chairs, bird cage at iba pa.
At ngayon ay nagmamarka ngayon sa world of art ang kanyang signature style na mapa na gawa sa scrap metal.
Nakagawa na si Yul ng mapa kung saan siya ipinanganak sa Manila. Nakagawa na rin siya ng mapa ng QC kung saan prominente ang lokasyon ng ABS CBN at ang GMA 7.
Recently ay nagkita sila ng aktor na si Piolo Pascual at naobalita niya sa Kapamilya star na meron siyang art pieces na binebenta.
Dahil dito ay inimbitahan siya ni Papa P na magpunta sa kanyang lugar sa Batangas at ipinakita ang isang vacant space kung saan pwedeng ilagay ang kanyang art piece.
Du’n na nga nagsimula ang kanilang pag-uusap at saka kinomisyon ni Papa P si Yul na gumawa ng isang piece of art na nagkakahalaga ng premium price na hindi puwedeng i-disclose.
Kino-consider naman niya na lucky charm niya si Papa P dahil magmula nang nagkausap sila ay bumenta na ang kanyang nga art works sa mga dinadaluhan niyang art exhibits.
Bukod dito ay seryoso rin si Yul sa pagbabalik sa showbiz.
FYI ay isang award winning actor si Yul kung saan siya nagwagi ng maraming Best Actor awards sa kanyang mga pelikula, lalo na sa pelikulang Batang West Side.
Sa ngayon ay papunta si Yul sa Venice Film Festival where the Lav Diaz film ‘Makikiraan Po’ will be shown. May mahalagang role si Yul sa nasabing movie.
Bukod dito ay humahataw na rin si Yul sa pagiging voice talent sa isang radio station.
Maraming opportunitoes nga ang nagbukas ng pintuan kay Yul pagkatapos niyang hindi palarin na manalo nu’ng nakaraang eleksyon.
Hindi naman niya sinasara ang kanyang pinto sa pagbabalik sa politics dahil likas na sa kanya ang public service.
Sa ngayon ay abangan muna natin ang kanyang pagbabalik sa showbiz lalo’t gusto rin sana niyang makasama sa teleserye ni Coco Martin na Sigabo.