Home METRO Kelot patay sa pakikipagtalo

Kelot patay sa pakikipagtalo

105
0

MANILA, Philippines – Isang lalaki ang binaril ng hindi pa nakikilalang suspek sa loob ng isang subdivision sa Barangay Bagtas, Tanza, Cavite.

Ayon sa paunang ulat ng Tanza Municipal Police Station (MPS), dakong alas-10:45 ng gabi nang maganap ang insidente sa Phase 2, Pabahay 2000 Subdivision.

Base sa imbestigasyon, kinilala ang biktima na si alyas “Ben” kasama ang kanyang live-in partner nang biglang lapitan ito ng suspek at dito nagkaroon umano ng pagtatalo sa pagitan ng dalawa.

Makalipas ang ilang sandali ay naglabas ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril ang suspek at pinaputukan ang biktima.

Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang suspek.

Nagsagawa ng manhunt operation ang pulisya pati sa pagsusuri sa mga CCTV footage na makakapagbigay sa kinaroroonan at pagkakakilanlan ng suspek upang malaman ang naging motibo nito sa pagpatay. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here