Home NATIONWIDE 4 arestado sa halos P49M ismagel na sigarilyo sa Pampanga

4 arestado sa halos P49M ismagel na sigarilyo sa Pampanga

3
0

PAMPANGA – Apat na indibidwal ang arestado, habang tinatayang nasa halos P49 milyon halaga ng mga smuggled na sigarilyo ang nasabat sa ikinasang operasyon ng pulisya sa McArthur Highway sa Barangay Cacutud, Mabalacat City.

Sa ulat kay Central Luzon Police Director Brigadier General Jess Mendez, pasado alas-12:30 ng madaling araw ng Lunes, Setyembre 7, 2026 ay nasabat ng pinagsanib na puwersa ng Mabalacat City Police Station at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Regional Field Unit ang isang Wing Van Truck na naglalaman ng umano’y mga iligal at mga puslit na sigarilyo.

Nakumpiska ng awtoridad ang nasa 759 Master Cases ng “Modern” cigarettes brand, na binubuo ng 329 na red packs at 430 na blue packs at nadiskubre ang mga kontrabando na pawang wala umanong BIR Tax Stamps na tinatayang nasa P48,955,500 ang halaga nito at ang trak na pinagsakyan ng mga puslit na sigarilyo.

Nahaharap sa mga kaukulang kaso ang mga naarestong suspek, habang nasa kustodiya ng pulisya ang mga nakumpiskang kontrabando para sa dokumentasyon at tamang disposisyon. ROEL TARAYAO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here