Home TOP STORIES 500 magsasaka, negosyante sa La Trinidad nakatanggap ng ayuda

500 magsasaka, negosyante sa La Trinidad nakatanggap ng ayuda

93
0

LA TRINIDAD, Benguet — Nasa 500 magsasaka at mga negosyante mula sa micro, small and medium enterprises (MSMEs) ang nakatanggap ng tulong sa relief operation ng Lingkod Lapid caravan sa La Trinidad, Benguet.

Pinangunahan ni Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) Chief Operating Officer Mark Lapid ang pamamahagi sa La Trinidad Gymnasium kasama sina Mayor Roderick Awingan, Vice Mayor Guiller Galwan at iba pang lokal na opisyal.

Bukod sa relief operation, nakipagpulong din si Lapid kina Awingan, Galwan at Department of Agriculture-Cordillera Administrative Region Executive Director Jennilyn Dawayan sa La Trinidad Municipal Hall.

Kabilang sa tinalakay ang panukalang “rescue-buy” scheme ni Sen. Lito Lapid na naglalayong bilhin ang mga hindi naibentang gulay mula sa Benguet at iba pang lugar upang makatulong na mabawasan ang pagkalugi ng mga magsasaka.

Napag-usapan din ang mga posibleng tourism infrastructure project sa La Trinidad na inaasahang makatutulong sa turismo at lokal na ekonomiya.

Ayon sa Lingkod Lapid caravan, layunin ng programa na maghatid ng tulong sa mga sektor na umaasa sa agrikultura at maliliit na negosyo. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here