Home NATIONWIDE Wanted sa child trafficking arestado sa Cavite

Wanted sa child trafficking arestado sa Cavite

1
0

MANILA, Philippines – Isang umanong child trafficker na nasa Regional Level Most Wanted Person na nahaharap sa dalawang counts ng Qualified Trafficking in Persons at paglabag sa batas na nagpoprotekta sa mga bata ang naaresto sa Cavite.

Sa report ng pulisya, kinilala ang suspek na si alyas “Grasya,” residente ng Bacoor City, na naaresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 111 ng Bacoor City noong Mayo 13, 2026.

Base sa ulat, dakong 11:40 ng umaga nitong Martes, Setyembre 8, sa Barangay Panapaan 4 ay isinagawa ang manhunt operation kaugnay sa dalawang bilang ng Qualified Trafficking in Persons Republic Act No. 9208, na inamyendahan ng RA 10364, gayundin sa paglabag sa RA 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Napag-alaman na nasa Bacoor Custodial Facility ang suspek at walang inirekomendang piyansa para sa kasong kinahaharap nito. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here