Home NATIONWIDE Kaso vs ilang solon na naglantad ng bank records, target isampa ni...

Kaso vs ilang solon na naglantad ng bank records, target isampa ni Carpio sa Ombudsman

3
0

MANILA, Philippines — Pinag-aaralan ng kampo ni Atty. Manases “Mans” Carpio na muling ihain sa Office of the Ombudsman ang reklamong may kaugnayan sa umano’y paglalantad ng kanyang bank records.

Kasunod ito ng pagbasura ng Quezon City Prosecutor’s Office sa reklamong inihain ni Carpio laban sa ilang mambabatas at opisyal ng gobyerno.

Sinabi ng abogado niyang si Atty. Peter Paul Danao na hinihintay pa nila ang opisyal na kopya ng resolusyon na may petsang Setyembre 7 bago magpasya sa susunod na legal na hakbang.

Ayon kay Danao, ibinasura ang reklamo nang walang prejudice dahil sa kawalan ng hurisdiksiyon at hindi dahil sa pinal na pagresolba sa merito ng mga alegasyon.

“At the very least, our client retains the option to refile the complaint before the Office of the Ombudsman, which the Resolution itself identifies as the proper forum based on its jurisdictional finding,” ani Danao.

Iginiit niyang dapat masuri ng naaangkop na awtoridad ang paghawak at pagsasapubliko ng kumpidensiyal na impormasyong pinansiyal.

Kabilang sa mga alegasyon laban kay Vice President Sara Duterte sa kanyang impeachment trial ang umano’y pagkakaroon ng unexplained wealth. Plano ng prosecution na gamiting ebidensiya sa Article II ang mga bank account na iniuugnay sa Bise Presidente at kay Carpio, na kanyang asawa. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here