Home NATIONWIDE Kulungan ni Romualdez sa ospital sa Crame, inihanda na ng PNP

Kulungan ni Romualdez sa ospital sa Crame, inihanda na ng PNP

1
0

MANILA, Philippines — Naghanda na ang Philippine National Police (PNP) ng silid para kay dating House Speaker Martin Romualdez sa PNP General Hospital sakaling aprubahan ng Sandiganbayan ang paglilipat sa kanya mula sa pribadong ospital.

Ayon kay PNP spokesperson Col. Allen Rae Co, inihanda ang pasilidad upang matiyak ang kinakailangang seguridad, serbisyong medikal at custodial requirements kung mag-uutos ang korte na ilipat si Romualdez sa Camp Crame sa Quezon City.

May sukat na 10.85 metro kuwadrado ang nakatalagang silid at may sariling palikuran. Nilagyan din ito ng metal door barrier na katulad ng ginagamit sa mga pasilidad na piitan.

Kasalukuyang ginagamot si Romualdez sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City dahil sa mga iniindang kondisyon, kabilang ang problema sa puso at mataas na presyon ng dugo. Natapos na ang kanyang diagnostic procedures at patuloy siyang umiinom ng mga iniresetang gamot.

Sinabi ni Co na araw-araw na nagsasagawa ng sariling pagsusuri ang mga doktor ng PNP sa kalagayan ni Romualdez.

Nagsagawa rin ng medical conference noong Setyembre 8 ang mga doktor ng PNP General Hospital at isinaalang-alang ang findings at rekomendasyon ng mga manggagamot sa Cardinal Santos.

Nilinaw ng PNP na paghahanda lamang ang paglalaan ng silid at nakasalalay pa rin sa Sandiganbayan ang anumang paglilipat kay Romualdez. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here