MANILA, Philippines – Maaaring maharap sa disciplinary action mula sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) si Vice President Sara Duterte dahil sa pahayag niyang wala siyang tiwala sa mga korte, ayon kay Manila 3rd District Rep. Joel Chua.
“Kahit sino siguro. Lahat tayo,” ani Chua.
Ayon kay Chua, seryoso ang pahayag dahil hindi tinukoy ni Duterte kung aling korte ang hindi niya pinagkakatiwalaan.
“Wala naman siya, hindi naman niya ki-nualify ito. Ito ay isang sweeping statement para sa lahat. So ibig sabihin hanggang sa pinakamataas ay wala siyang tiwala. So napakabigat ito,” ani Chua.
Binigyang-diin niya na bilang mga abogado at officers of the court, dapat igalang ang hudikatura.
“At bilang abogado, kami lahat ay mga officers of the court, so kami dapat ay nagbibigay ng galang sa ating mga kagalang-galang na mga mahistrado.”
Suportado rin ni Chua ang posibilidad na imbestigahan ng Supreme Court si Duterte.
“Mas maganda. Kasi ang Korte natin mismo ang kanyang binastos. So dapat bilang officer of the court, dapat imbestigahan siya. Motu-proprio. Kung pwede,” aniya. RNT/MDS