Home METRO Malaking isda nabingwit sa P408K ‘bato’ sa Bulacan buy-bust

Malaking isda nabingwit sa P408K ‘bato’ sa Bulacan buy-bust

3
0

BULACAN, Philippines – Arestado ng mga pulis ang isang High-Value Individual (HVI) matapos mahulihan umano ng P400,000.00 halaga ng iligal na droga sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM) nitong hapon ng Setyembre 9.

Sa ulat nj PLTCOL Nelson Sardin, hepe ng SJDM police station, kinilala ang suspek na si alyas “JM”, 25, residente ng Brgy. Muzon South.

Ayon sa ulat ng istasyon, ikinasa nila ang anti-illegal drug operation bandang 5:00 ng hapon sa Brgy. Muzon South.

Nabatid na inaresto ang suspek nang bentahan ng isang sachet ng hinihinalang shabu ang police poseur buyer kapalit ang marked money.

Sa protective search, nasamsam pa sa suspek ang dalawang sachets ng hinihinalang shabu na humigit-kumulang 60 gramo at tinatayang nasa P408,000.00.

Nahaharap ang suspek sa kaukulang kaso habang nasa kustodiya ng istasyon. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here