Home TOP STORIES Pagtutol sa kinatawan ng Malacañang, posibleng makaapekto sa Handog ng Pangulo sa...

Pagtutol sa kinatawan ng Malacañang, posibleng makaapekto sa Handog ng Pangulo sa Kabicolan

85
0

MANILA, Philippines — Posibleng magkaroon ng problema sa koordinasyon para sa pagsasagawa ng “Handog ng Pangulo 2026” sa Kabicolan sa Setyembre 14 dahil sa umano’y pagtutol sa opisyal na inaasahang kakatawan kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa aktibidad.

Bahagi ang ilang bayan sa Bicol ng nationwide implementation ng Handog ng Pangulo, kung saan iba’t ibang programa at serbisyo ng pamahalaan ang sabay-sabay na ilalapit sa publiko sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Dahil hindi personal na makadadalo ang Pangulo sa lahat ng lugar, inaasahang may mga opisyal na kakatawan sa administrasyon sa mga aktibidad sa mga lalawigan.

Ayon sa impormasyong nakalap, may pagtutol umano mula sa panig ng pamahalaang panlalawigan sa Kabicolan sa itinalagang kinatawan para sa aktibidad.

Hindi pa malinaw kung ano ang opisyal na dahilan ng naturang pagtutol at kung makaaapekto ito sa mismong pagsasagawa o pamamahagi ng tulong at serbisyo sa mga residente.

Wala ring kumpirmasyon kung may kinalaman sa pulitika ang sinasabing hindi pagkakasundo.

Mahalagang matuloy ang programa nang maayos dahil ang mga benepisyo at serbisyong nakapaloob dito ay nakalaan para sa mga kwalipikadong residente at hindi para sa alinmang lokal o pambansang opisyal. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here