Home HOME BANNER STORY Presyo ng gasolina, diesel posibleng sumipa muli sa susunod na linggo

Presyo ng gasolina, diesel posibleng sumipa muli sa susunod na linggo

2
0

MANILA, Philippines — Posibleng muling tumaas ang presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa sa susunod na Martes, Setyembre 15, batay sa galaw ng pandaigdigang presyo ng langis.

Ayon sa isang source sa industriya ng langis, tinatayang ₱2 hanggang ₱4 kada litro ang posibleng dagdag sa presyo ng gasolina.

Samantala, maaaring pumalo naman sa ₱3 hanggang ₱5 kada litro ang itaas sa presyo ng diesel.

Batay ito sa monitoring ng average na Mean of Platts Singapore (MOPS) at galaw ng foreign exchange mula Setyembre 7 hanggang 9.

Inaasahang iaanunsyo sa Lunes, Setyembre 14, ang aktuwal na oil price adjustment na ipatutupad naman kinabukasan, Martes, Setyembre 15.

Kung matutuloy, ito na ang ikalawang sunod na linggo na tataas ang presyo ng petrolyo.

Ngayong linggo lamang, nagpatupad ang mga kompanya ng langis ng dagdag-presyo na ₱4.69 kada litro sa gasolina, ₱5.18 sa diesel at ₱5.58 sa kerosene.

Dahil dito, muling pinangangambahang madagdagan ang pasanin ng mga motorista at consumers dahil sa posibleng panibagong pagtaas ng presyo ng langis. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here