LAGUNA, Philippines – Dead on arrival sa pinaka malapit na hospital ang isang hindi nakikilalang rider matapos na aksidenteng bumangga ang sinasakyang motorsiklo sa isang Aluminum Wing Van Truck, kahapon sa kahabaan ng National Road Barangay Makiling, Calamba City.
Ang hindi nakikilalang biktima na wala ng buhay nang dumating sa Dr. Jose P. Rizal Memorial Hospital Calamba City na nagtamo ng mga malalalim na sugat sa parte ng katawan matapos umano itong tumilapon .
Base sa inisyal na pagsisiyasat ng Calamba Component City Police Station sa pinangyarihan ng krimen dakong alas- 3:00 ng madaling -araw habang ang biktima na nakasuot ng half face helmet, black T-shirt at blue short pants na lulan ng isang Yamaha MIO 125 na may plakang – D3284G na minamaneho ng nasawing biktima kung saan tinatahak ang nabanggit na lugar.
Napag-alaman na ang Isuzu Aluminum Wing Van Truck na may plakang ABK- 8111 na minamaneho ni Alyas Juvanni kung saan pansamantala umano itong nakahinto na may hazard warning lights habang nag- aantay ng delivery ng maganap ang insidente.
Nabatid sa ulat na kapwa nasa linya ng patungong Milagrosa Calamba City ang Isuzu Wing Van Truck at Yamaha MIO 125 nang maganap ang aksidente, samantalang pansamantalang nasa kustodiya ng pulisya ang driver ng Isuzu Wing Van. /Ellen Apostol