MANILA, Philippines – Target ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na maaresto at maibalik sa Pilipinas sa loob ng dalawang linggo si dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co, ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla.
Sinabi ni Remulla nitong Huwebes na pupunta siya sa France upang makipag-ugnayan sa mga awtoridad kaugnay ng paghahanap at posibleng pag-aresto kay Co.
Ayon sa kalihim, alam na umano ng mga awtoridad ang lokasyon at tirahan ni Co.
“That’s the agenda. Zaldy Co is the agenda… we know where he is, we know the address, we know his house. It’s to get him back here,” ani Remulla matapos ang budget hearing ng DILG sa Senado.
Sinabi rin ni Remulla na nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maaresto si Co “at all costs.”
Kapag tinanong sa target na panahon para maibalik sa bansa ang dating mambabatas, sinabi ni Remulla na maaari itong mangyari sa loob ng “two weeks.”
Kabilang din sa pakay ng kanyang biyahe sa France ang pag-follow up sa hinihinging Interpol Red Notice laban kay Co.
Gayunman, nilinaw ni Remulla na wala pa umanong Red Notice sa kasalukuyan.
Si Co ay iniuugnay ng mga awtoridad sa umano’y anomalya sa bilyun-bilyong pisong flood control projects. Dapat manatiling allegation ang pagkakaugnay na ito hangga’t hindi pa napapatunayan sa korte.
Sinabi rin ni Remulla na wala pang ipinadalang feelers si Co sa pamahalaan at wala umano silang direktang komunikasyon. Santi Celario