Home NATIONWIDE Comelec: Diskuwalipikasyon ng Moro Ako Party, pinal na

Comelec: Diskuwalipikasyon ng Moro Ako Party, pinal na

3
0

MANILA, Philippines – Pinal at executory na ang desisyon ng Commission on Elections (Comelec) na kanselahin ang registration at accreditation ng Moro Ako Party bilang Regional Parliamentary Political Party (RPPP).

Ayon sa Comelec, naglabas ang Clerk of the Commission noong Setyembre 7 ng Certificate of Finality at Entry of Judgment para sa desisyong inilabas noong Agosto 27.

Dahil dito, tinanggal na rin ang Moro Ako Party sa roster ng mga accredited Major Regional Parliamentary Political Parties para sa BARMM parliamentary elections.

Kasabay nito, binawi ang mga pribilehiyo ng partido bilang major RPPP, kabilang ang karapatang magtalaga ng watchers at makatanggap ng nakalaang kopya ng election returns.

Nauna nang kinansela ng Comelec noong Agosto 4 ang accreditation ng Moro Ako Party dahil sa umano’y hindi makatotohanang impormasyong isinumite nito sa aplikasyon para sa accreditation.

Noong Agosto 27, pinagtibay ng poll body ang naunang desisyon matapos ibasura ang motion for reconsideration ng partido.

Sa ilalim ng Comelec rules para sa BARMM parliamentary polls, nagiging final at immediately executory ang isang ruling kapag na-deny na ang motion for reconsideration at walang restraining order mula sa Supreme Court sa itinakdang panahon.

Hindi naman apektado ng kaso ang accreditation ng United Bangsamoro Justice Party bilang Dominant Majority RPPP at Bangsamoro Federalist Party bilang Dominant Minority RPPP. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here