Home TOP STORIES TIEZA chief sa CvSU grads: Gamitin kaalaman sa pag-unlad ng turismo

TIEZA chief sa CvSU grads: Gamitin kaalaman sa pag-unlad ng turismo

1
0

CAVITE – Hinikayat ni Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) Chief Operating Officer Mark Lapid ang mga bagong graduate ng College of Tourism and Hospitality Management ng Cavite State University-Indang Campus na gamitin ang kanilang kaalaman at kakayahan sa pagpapaunlad ng turismo sa bansa.

Nagsilbing commencement speaker si Lapid sa graduation rites ng kolehiyo kung saan binigyang-diin niya ang mahalagang papel ng mga bagong propesyonal sa paghubog ng kinabukasan ng tourism at hospitality industry.

Ayon kay Lapid, may pagkakataon ang mga graduate na maging bahagi ng patuloy na paglikha ng mga oportunidad at pagpapalakas ng sektor habang nagsisimula sila ng panibagong yugto sa kanilang buhay.

Kasabay nito, patuloy namang isinusulong ng TIEZA ang mga programa at proyektong nakatuon sa pagpapalakas ng tourism infrastructure at pagpapalawak ng mga oportunidad sa industriya ng turismo sa Pilipinas. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here