Home HOME BANNER STORY Arraignment sa grave threats case ni VP Duterte, ipinagpaliban ng korte

Arraignment sa grave threats case ni VP Duterte, ipinagpaliban ng korte

5
0

MANILA, Philippines – Ipinagpaliban ng Quezon City Regional Trial Court Branch 98 nitong Biyernes, Setyembre 11, ang arraignment ni Vice President Sara Duterte sa tatlong kasong grave threats.

Ayon sa korte, hindi muna itinuloy ang arraignment dahil sa mosyong inihain ng kampo ng Bise Presidente.

Dumating si Duterte sa Quezon City Hall of Justice bandang alas-8:30 ng umaga kasama ang kanyang kapatid na si Davao City Rep. Paolo Duterte.

(c) Danny Querubin

Nauna nang naglabas ang QC RTC Branch 98 ng warrant of arrest laban kay Duterte noong Setyembre 4 matapos makakita ng probable cause para isailalim siya sa paglilitis.

Kinabukasan, personal na nagtungo si Duterte sa korte at naghain ng piyansang P120,000 bawat kaso o kabuuang P360,000, dahilan upang bawiin ng korte ang arrest warrant laban sa kanya.

Ang mga kaso ay nag-ugat sa mga pahayag ni Duterte noong Nobyembre 2024 kaugnay kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez.

Nauna nang kinuwestiyon ng kampo ni Duterte ang hurisdiksyon ng korte at naghain ng motion to quash sa mga kaso.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here