Manila, Philippines – Kapag binanggit mo ang pangalang Toni Co sa showbiz ay marami ang magsasabing ‘famous siya,’
Dekada na rin kasi ang binilang sa emtertainment industry Entertainment ni Toni kaya nakagawa na siya ng sarili niyang pangalan.
At ngayon nga ay binansagan pa siyang “Prince of Talk” dahil sa galing niyang mag-interview ng celebrity guest.
Sa bawat episode kasi ng sariling online showbiz talk show na “Talk Express” ay makikita ang husay niya sa pagdadala ng programa.
Mapapanood ito sa kanyang official YouTube channel, sa Facebook, at iba pang socmed platform ng KMD Studios ang Talk Express every Saturday at 5:00 PM.
This Saturday ay ang mahusay na actress at Viva Hotbabes member na si Andrea del Rosario ang masayang makaka-chikahan ni Toni sa kanyang show na pataas nang pataas ang viewership.
At alam niyo ba na during his high school days ay naging parte pala siya ng production staff ng TV program na Family Kwarta O Kahon ni the late Pepe Pimentel.
Anyway, na rin sa ilang pelikula si Toni at naging producer pa ng 2 Indie movies na Traslacion: Ang Paglalakad Sa Altar Ng Alanganin (2015) at Ned’s Project.
Samantala, muli na namang tumanggap ng panibagong pagkilala at parangal si Toni Co sa recent 4th Gawad Dangal Filipino Awards.
Ipinagkaloob sa kanya ang Outstanding Talk Show Host Of The Year na deserved niya dahil sa kakaibang estilo niya sa pagho-host, na tanging sa kaniya lang! Peter Ledesma