Home ENTERTAINMENT Ruffa, umaming may pinagdadaanan si Annabelle!

Ruffa, umaming may pinagdadaanan si Annabelle!

1
0

Manila, Philippines – Kaarawan ni Annabelle Rama sa October 31.

Her daughter Ruffa Gutierrez was the first to greet her sa kanyang guesting sa Fast Talk with Boy Abunda nitong October 27.

Napag-uusapan din lang ang tungkol sa celebrity mom, how’s Annabelle?

Inamin mismo ni Ruffa na may pinagdadaanan ngayon ang kanyang ina.

But Ruffa wouldn’t go into details basta’t ang alam niya: “I know, Mom, you’re gonna stay healthy, happy because we love you.

“So happy, happy birthday!”

Sa halip, mas gustong pag-usapan ni Ruffa ang tungkol sa mga realizations niya sa pagpapalakaki sa kanya ni Annabelle.

Yung pagiging mahigpit niya back in the day was for my own sake.

Kasi I’m the only girl.

‘I’ve realized that noong maging nanay din ako. Na-realize ko na full circle moment.

‘Sabi ko, maraming salamat, Ma, dahil hinigpitan mo ako, naging maayos at maganda ang buhay ko.”

Taliwas ito sa pakiramdam daw ni Annabelle that Ruffa doesn’t love her.

Ani Ruffa, she thinks that parents normally get that feeling dahil nagkakaedad sila: “They want love from their children. And so now, I’m trying to spend more time with my mom and my dad.

‘You have to really express how much they mean to us.”

Samantala, sa Showbiz Now Na nina Cristy Fermin at Romel Tsika inulat ang pagpunta ni Annabelle sa Singapore para sumailalim sa PET scan.

Isa namang online portal ang naghatid ng pekeng balita tungkol sa pagpanaw ni Annabelle na pinalagan ni Ruffa. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here