Home NATIONWIDE Cardiologist inirekomenda, maghintay ng 4 ‘gang 6 linggo bago ilipat si Romualdez

Cardiologist inirekomenda, maghintay ng 4 ‘gang 6 linggo bago ilipat si Romualdez

3
0

MANILA, Philippines – Inirekomenda ng cardiologist sa Cardinal Santos Medical Center na maghintay ng apat hanggang anim na linggo bago payagan na ilipat si dating House Speaker Martin Romualdez sa panibagong pasilidad para sa independent evaluation.

Ngayong Biyernes, Setyembre 11 ay nagbalik kasi ang mga doktor ni Romualdez sa Sandiganbayan Third Division para sa pagdinig sa mosyon ng mambabatas sa hospital confinement.

Ayon kay Dr. Rody Sy, cardiologist sa Cardinal Santos Medical Center, makikitang “professional recklessness” para sa mga doktor kung papayagan ang agarang paglipat kay Romualdez sa ibang pasilidad.

Ani Sy, mayroong 10 hanggang 20% ng untoward incident sa agarang paglipat.

Sa kabila nito ay hindi naman tututulan ang paglipat kay Romualdez sa ibang ospital na may kumpletong pasilidad sa tamang oras.

“Four to six weeks? Minumura na po kami ng tao,” tugon ni Sandiganbayan Associate Justice Ronald Moreno.

Sinabi naman ni Associate Justice Karl Miranda na si Sy ay cardiologist na ng mahigit dalawang dekada.

“I trusted him with my life, I will continue to trust him with my life. I know him very well. He’s a true patriot… our relationship as patient and doctor would never allow my judgment and duty as justice,” ani Miranda.

Nauna nang sinabi ni Sy na si Romualdez ay “cardiovascularly stable” nang suriin ito sa una at ikalawang araw ng confinement.

Ipinaliwanag ni Sy na nangangahulugan ito na si Romualdez ay may katanggap-tanggap na blood pressure at normal electrocardiogram results.

Sa kabila nito ay lumobo ang blood pressure ni Romualdez sa 170/110 bandang alas-5 ng hapon nitong Huwebes.

Dinagdagan din ang sleep medication ni Romualdez kahapon.

Matatandaan na inatasan ng Sandiganbayan Third Division si Romualdez na humarap nitong Huwebes ngunit hindi pinayagan ng kanyang mga doktor. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here