Home NATIONWIDE VP Sara gagawin lahat ng legal remedies sa kaso

VP Sara gagawin lahat ng legal remedies sa kaso

2
0

MANILA, Philippines – Gagawin ng kampo ni Vice President Sara Duterte ang lahat ng legal na hakbang sa kasong grave threat na isinampa laban sa kanya.

Nitong Biyernes, Setyembre 11 ay humarap si Duterte sa Quezon City Regional Trial Court Branch 98 para sa arraignment ng mga reklamo.

Sa kabila nito ay ipinagpaliban ang arraignment kasunod ng mosyon ng kampo ni Duterte.

“Lahat ng legal remedies na allowed by law ay yun ang ina-avail ng ating mga abogado. Sumusunod lang ako sa kanilang legal advice,” ani Duterte.

Ang reklamo laban kay Duterte sa korte ay nag-ugat sa pahayag nito noong Nobyembre 2024 kung saan sinabi niyang may kinuha umano siyang indibidwal na papatay kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez kung siya ay mamatay.

Noong Setyembre 4 ay ipinaaresto si Duterte ngunit nakapagpiyansa ng P360,000 sa kasunod na araw.

Bago magpiyansa, sinabi pa ni Duterte sa mga abogado nito na wala siyang tiwala sa mga korte sa bansa. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here