MANILA, Philippines – May impormasyon si National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag na babalik na sa Pilipinas sina Senador Alan Peter Cayetano at Pia Cayetano bukas, araw ng Sabado, Setyembre 12.
“I have information that they will be coming back tomorrow ata, tomorrow,” sinabi ni Matibag.
Nauna nang kinumpirma ng mga awtoridad na ang magkapatid ay umalis ng bansa noong Miyerkules.
Ayon sa Bureau of Immigration, walang hold departure order o derogatory record laban sa kanila para pigilan ang mga ito na umalis.
Ani Matibag, bagamat wala siyang nakikitang problema sa pagbiyahe, hindi naman umano niya masisisi ang publiko na mag-react sa timing nito.
“Kung nagbakasyon lang talaga, wala naman problema, no? But of course the timing, hindi natin maalis sa taong bayan ‘yung magkaroon ng mga komento.”
Noong Hulyo, itinurn-over na ng opisina ni Senador Panfilo “Ping” Lacson sa Office of the Ombudsman ang documentary at testimonial evidence na nakalap sa umano’y mga anomalya sangkot ang flood control projects sa Taguig City.
Iniugnay niya sa mga anomalya si Alan Peter Cayetano.
Para naman kay Cayetano, ang mga akusasyon ni Lacson ay “demolition job” na pinasinungalingan niya at sinabing “pathetic.” RNT/JGC